Hindi alam ni Alcano ang gagawin sa pera

CELESTE TERRENAL MANILA

Nais  ni Ronnie Alcano na sundan ang yapak ng
kanyang idolo na si Efren “Bata” Reyes.

Katunayan, maging ang hitsura ni Bata, kasama na
ang pagpapatubo ng bigote at pagpapatanggal ng
lahat ng kanyang mga ngipin ay ginawa ni Alcano.
Ngayon, isang bagay pa ang ginaya niya kay Bata –
ang maging kampeon ng mundo sa larong bilyar.

Sinungkit ni Alcano, tinaguriang “Ronnie Calamba” at
“The Volcano”,  ang 2006 Men’s World 9-Ball
Championship  nang pabagsakin si Ralf Spyquet sa
finals sa score na 17-11.

Siya ang ikalawang Pilipino (hindi kasama ang 2004
winner na si Alex Pagulayan dahil kinakatawan niya
noon ang Canada) na maging world pool champion.  
Una na ritong nanalo ang idolo ni Alcano na si Bata
noong 1999 na tinalo naman ng una sa 2006
tournament.

Pamilyar  na ang mga pool aficionados kay Alcano.  
Ilang beses na rin siyang nagpakitang-gilas sa mga
major tournaments tulad ng 2005 San Miguel Beer
Asian 9-Ball tour championship at ang gintong
medalya sa 2005 Southeast Asian Games (men’s 15-
ball singles at men’s 15 doubles kasama si
Leonardo Andam).

Kontrolado ng 34-anyos na si Alcano, tubong
Calamba, Laguna,  ang finals ng torneo makaraan
ang 8-2  pagsagitsit  at sinelyuhan nito ang panalo sa
1-9 kombinasyon.

“Nagbago talaga ang buhay ko.  Dati ako ang
nagpapa-autograph, ngayon ako na ang pumipirma.  
Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko sa
napanalunan ko, ngayon lang ako nakahawak ng
ganoong kalaking pera,”  sabi ni Alcano na naibulsa
ang US$100,000 na premyo.

Mahirap ang pinagdaanan  ni Alcano bago ang
panalo.  Kinailangan niyang sumailalim sa knockout
stages  at isa siya sa dalawnag manlalaro na na-
qualify para sa last 64 matapos na isa sa tatlong
matches lamang ang napanalunan.

Katunayan, hindi man lamang nililingon si  Alcano  sa
torneo makaraang mabigo sa una sa dalawang
niyang matches na nanapalunan naman ni Marcel
Martyines, 9-2.  

Pero nabingwit niya ang ikalawa niyang asignature
laban sa walang talo noon na si Roberto Gomez, 10-
1. at isinunod ang  tournament favourite na si Reyes,
10-7.

Sa tagumpay ni  Alcano, kabi-kabila ang naging
papuri sa kanya, kasama na ang paggawad ni
Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Presidential
Order of Lakandula medallion at  P1 million.

Labindalawang-taong gulang pa lamang si Alcano
nang magsimulang humawak ng tako.  Hinasa niya
ang kanyang kaalaman sa bilyar sa pag-aaral ng
tricks na ginagawa ng mga Pilipino billiard player lalo
na ni Bata.

Bagama’t aminado na nalulungkot din siya sa hindi
pagtatapos ng pag-aaral  dahil sa bilyar, sinabi ni
Alcano na marami rin siyang dapat na ipagpasalamat
sa sport na nagbigay sa kanya ng yaman at tagumpay.
Nagbago talaga ang
buhay ko.  Dati ako
ang
nagpapa-autograph,
ngayon ako na ang
pumipirma.  Hindi ko
pa alam kung ano
ang gagawin ko sa
napanalunan ko,
ngayon lang ako
nakahawak ng
ganoong kalaking
pera
All rights reserved. Filipino Globe
Tantiyado na ni Ronnie Alcano ang nalalapit na panao sa bilyar. Milyunes ang kasunod.
BPI Remittance
Center
Hong Kong
Budget Finance
Limited
Hong Kong
Orient First
Capital
Hong Kong
HBC franchise
opportunity
Philippines
J&D Health
Concepts Hong
Kong
Honda Cars
Makati
Philippines
JT Hong Kong
Jumbo
Tours
Maus@Point
Internet Cafe
Hong Kong
Moneygram
Money transfer
Hong Kong
PLDT
Smart Padala
Hong Kong
Prime Gold
Hong Kong
Prime Credit
Hong Kong
PNB Remittance
Center Hong
Kong
Xocai Chocolates
Philippines
Super Ace Cargo
Hong Kong
ADLINKS
ANG BANSA
  MANILA:
US simplifies paperwork
  EASTERN SAMAR:
Computers for schools
  TARLAC:
Protest tension eases
  NORTH COTABATO:
Top cops on trikes
  DAVAO ORIENTAL:
Bridging tourist towns
  DUMAGUETE:
Matias Gym ready
  QUEZON CITY:
No bail for cop suspect
  ZAMBOANGA:
Power plant projects
  MANILA:
NBI nabs recruiters
  BULACAN:
Poisoning downs 60
Buhos and swerte sa bagong billiards king
PBA carousel twists and turns
Subplot thickens as teams go into
action on and off the court
Asiad athletes deliver the gold
Nagbunyi ang bansa sa natamong
karangalan sa Doha Games
Pacquiao: Trilohiya ng boksing
Tila sinukat ni Manny Pacquiao ang
panalo niya kay Erik Morales
IN THE NEWS        SPORTS
search this site
LAUNCH EDITION
Click on image to
view our flagship
monthly publication
PRESS RELEASES
Click on image to
submit press release
or pictures of events
THE BIG PICTURE
Click on image to
submit your photo
or essay
Submit your
public service
announcements
COMMUNITIES
HK-based artist
Ferraris breaks
into art scene
in Pennsylvania
p a l a k a s a n
You need Java to see this applet.
filglobe.com
filipino globe online edition