TEO ANTONIO
All rights reserved. Filipino Globe
Pinoy professionals nasa bukana lamang

MANILA

Sabihin na nating masarap mangarap. Libre naman at
itodo na natin ang gusto nating pangarapin. Nasabi ko
ito,dahil may nabasa ako,tungkol sa hinaharap ng
ating mga OFW.

Ayon sa isang propesor sa ekonomiya, Wilfre M
Villamil ng De La Salle University, “Most of the
migrants are skilled educated workers who are not
necessarily poor … you have a situation where
migration is substantially costly,so it is the relative well-
off who might have better opportunities for migration.”

Dugtong pa niya: “The gains may be large if those who
leave are the unskilled and who belong to the low
income class …but those who leave are skilled.”

Sa ganiton pananaw ng ating propesor na ekonomista
mas nakalalamang ang kakayahan ng marami nating
OFW sa buong mundo dahil  silaý may talino at
kadalubhasaan. At marami ang sinasabi niyang “brain
waste” dahil hindi napapasok sa trabaho batay sa
kanilang “expertise.”

Kailangang maghanda ang ating bansa para sa
kinabukasan ng ating OFW pagdating ng panahon.
Hindi laging aalis sa bansa ang hukbo-hukbong
manggagawa upang humanap ng berdeng
pamayanan.

Sa panahong nakamit na n gating bansa ang
kaunlarang pinapangarap at naging amlusog ang
ekonomiyamposibvleng kumonti ang mga
manggagawang pupunta sa ibang bansa. Dahil
malaki na ang kanilang kinikita sa Pilipinas.
magkakasama sila ng pamilya sa  iisang bubong sa
tinubuang lupa.

Pagdating nga panahonh iyon,ang kakailanganin
naman ng ibang bansa ay an gating mga eksperto at
propesyunal dahil bilang halimbawa ng maunlad na
bansa sa Asya.

Dadagsa naman ang pangangailangan nila sa
Overseas Filipino Professional (OFP). Aangkat sila ng
mga Pilipinong economic manager, financial
manager, business manager, medical manager, at
iba pang eksperto sa iba’t ibang larangan ng tutugon
sa kanilang pangangailangan sa ating mga
propesyunal na kababayan.

Kapag nangyari ito,sila naman ang maghahabol at
hindi na ang mga propesyunal na Filipino ang
magkakadarapa para magtrabaho sa ibang bansa.

Ang mga propesyunal naman natin ang magtatakda
ng nais nilang suweldo na gusto nila.kasa na ang
mga benepisyo na ibibigay sa kanila upang sila’y
maakit na magtrabaho sa kanilang kompanya.
Maaaring magkatotoo ang ganitong pangarap.Hindi
laging dehado ang kalagayan ng Pilipinas sa habang
panahon.

Ang iba’y nawawalan na, ng pag-asa.Parang wala
nang pag-unlad sa Pilipinas.Malay natin,nagbago na
ang istema ng gobyerno.

Umugit na ang mga kabataang lantay ang
damdaming makabayan.Binago na ang kairalan at
kasama nilang nakikiisa ang sambayanang Filipino
tungo sa pagbabago.

Hindi ba maganda ang pangarap na kung noon ay
OFW ang kasangga sa pag-unlad. Bukas naman ay
Overseas Filipino Professional o OFP ang tumatabo
ng salapi at lalong umaapas ang “remittances” sa
kaban ng bansa.

Hindi ba maganda at masarap na pangarap ito sa
ating bansang dati’y “kakaning-itik” ang tingin ng
mauunlad na bansa sa Asya.
Kapag
nangyari
ito,sila naman
ang
maghahabol
at hindi na
ang mga
propesyunal
na Filipino
ang
magkakadarap
a para
magtrabaho
sa ibang
bansa
Parating na ang OFP, kaya humanda sila
i t a a s  m o
filglobe.com
filipino globe online edition
ITAAS MO
Teo Antonio
says the OPF
is coming --
and fast
DIMSUM
Isabel
Escoda
cheers a
jovial jolly lot
HOME VIEW
What's
spooking
Alan C
Robles?
PLUS
LAUNCH EDITION
Click on image to
view our flagship
monthly publication
PRESS RELEASES
Click on image to
submit press release
or pictures of events
THE BIG PICTURE
Click on image to
submit your photo
or essay
COMMUNITIES
Click on
image to
submit your
questions
HEALTH TALK
Jun Cañete is a
man of many
talents
HK-based artist
Ferraris breaks
into art scene
in Pennsylvania
Duty Free
Shops
Philippines
Golden Gate
Wine Ltd
Hong Kong
Her Highness
Properties
Philippines
Janet & Grace
beauty Salon
Hong Kong
J&D Health
Concepts Hong
Kong
JT Hong Kong
Jumbo Tours
Hong Kong
Moneygram
Money Transfer
Hong Kong
Orient First
Capital
Hong Kong
PNB Remittance
Center Ltd
Hong Kong
PLDT Smart
Padala
Hong Kong
Prime Credit
Hong Kong
Prime Gold
Hong Kong
SmarTone
Barkadahan
Hong Kong
WOW Philippines
Department of
Tourism
Xocai
Chocolates
Philippines
ADLINKS
BPI Remittance
Center Ltd
Hong Kong
AFreight
Door-to-door
Hong Kong