Nagbunyi ang buong bansa sa karangalan
CELESTE TERRENAL MANILA
Paghihiganti at katuparan ng pangarap.
Hindi ito isang tema sa pelikula, sa halip, ay ang
kabuuang senaryo ng kampanya ng delegasyon ng
Pilipinas sa 15th Asian Games sa Doha, Qatar.
Gintong medalya – mula kina billiard player Antonio
Gabica, wushu athlete Rene Catalan at boxers Violito
Payla at Joan Tipon – ang iniuwi ng pambansang
delegasyon ng Pilipinas mula sa Doha Asian
Games.
Dagdag dito ang silver at bronze na nag-akyat sa
Pilipinas sa puwesto sa katatapos lamang na torneo.
“Let this feat, along with those of Antonio Gabica,
Violito Payla and other medalists in the 15th Asian
Games, be a strong motivation for the next generation
of Filipino athletes to surpass these
accomplishments in the future,” wika ni Pangulong
Gloria Macapagal Arroyo.
Ito na ang ikalima sa pinakamahusay na
performance ng bansa sa biennial meet. Noong 1954
ay kumamada ang bansa ng 14 na golds, 14 na silver
at 17 bronzes.
Hindi nabalewala ang hirap ng mga atleta na mula sa
screening, hanggang sa pagsasanay at aktuwal na
laro ay pawang sakripisyo ang ibinigay para sa
karangalan ng bansa.
Pagkatapos ng laban sa Qatar, pinuri ni Pangulong
Arroyo ang may 187 na atleta kasama na sina Gabica,
Payla at Tipon.
Naging inspirasyon ng 27-anyos na si Payla ang
pangmamaliit sa kanya ng nakalaban sa finals na si
Somjit Jongjohor ng Thailand na mayabang na
sinabing dudurugin niyang parang saging ang Filipino
boxer. Tatlong beses na binigo ng Thai boxer si Payla
sa kanilang naunang paghaharap.
“Ito ang pinakamasayang araw sa aking career.
Masayang masaya ako, ipinakita ko sa kanya
[Jongjohor] na hindi niya ako puwedeng maliitin at
kaya kong lumaban,” sabi ni Payla na nanaig sa 31-
15 puntos para sa Asiad gold.
Kahit pa one-sided ang panalo ni bantamweight Joan
Tipon sa pinagmamalaki ng Korea na si Han Soon-
chul, maituturing pa ring kapanabik-panabik na laban
ito para sa mga Pilipino dahil sa nalagpasan ng
delegasyon ang tatlong gintong medalyang hinakot sa
Busan, South Korea noong 2002.
Pero kay Tipon at Payla, isang pampagana ang
kanilang panalo para sa mas malaki pa nilang plano
sa larangan ng boksing.
“Ayokong mag-professional. Target ko ang gold sa
2008 Olympics. Basta suportahan lamang kami ng
mga Pilipino kayang-kaya natin ito,” wika ni Tipon na
balak na magsimula ng negosyo sa matatannggap
na P1.5 milyon.
Kay Gabica, susi sa magandang kinabukasan ang
gintong medalyang nakamit dahil kakabit nito ang P1.
5 milyong insentibo bukod pa sa dagdag na P800,00
mula kay Pangulong Arroyo. Matagal nang pangarap
ni Gabica at ng kanyang asawang si Marijean na
nagpakasal sa simbahan.
“Hindi pa rin ako makapaniwala [sa panalo)]. Pero
wala naming pressure sa akin noong naglalaban
kami ni Jeff. Magkaibigan kami. Isa pa, kahit sino
naman manalo, para ito sa lahat ng mga Pilipino,”
sabi ni Gabica.
Ito ang unang pagkakataon na ang isang Pilipino ay
sumikwat ng singles title sa sport. Nanalo sina
Francisco “Django” Bustamante at Antonio Lining sa
Busan Asian Games 9-balls doubles na binura
naman ng mga organizers dito.
Nagsilbing armas naman ng 27-anyos na si Catalan,
taga-Ilocos, ang kanyang bilis at diskarte laban sa
mas matangkad na Vietnamese na si Phan Quoc
Vinh.
“Medyo nahirapan din ako sa kanya,” sabi ni Catalan,
makaraan ang laban. “Siya kasi yung pinakamalakas
sa mga nakalaban ko.”
“Talagang pinaghandaan ko siya. Ayokong
mapahiya. Alam ko na siya yung pinakamalakas sa
aking dibisyon kaya, siya kaagad ang target ng
preparasyon ko,” wika ni Catalan na ipinagpag ang
katuwiran ni Phan na injury ang dahilan kaya siya
natalo.
Iniangat ng ginto at pilak ng wushu ang medal tally
ng Pilipinas sa 4-6-9 (gold-silver-bronze para sa ika-
18 puwesto sa medal tally at nalagpasan ang 4-59
output noong 1986 Seoul Games.

Ito ang
pinakamasayang
araw sa aking
career. Masayang
masaya ako,
ipinakita ko sa
kanya [Jongjohor]
na hindi niya ako
puwedeng maliitin
at kaya kong
lumaban
All rights reserved. Filipino Globe
|
|
|
Violito Payla delivers a blow to to his opponent on his way to clinching the gold medal in his class. He is one of four gold medalists for the Philippines.
|
|
Our days of glory as athletes strike gold
|
|
PBA carousel twists and turns Subplot thickens as teams go into action on and off the court
|
|
|
Buhos and swerte kay Alcano Hindi niya alam ang gagawin sa biglang pagbuhos ng milyunes
|
|
|
Pacquiao: Trilohiya ng boksing Tila sinukat ni Manny Pacquiao ang panalo niya kay Erik Morales
|
|
IN THE NEWS SPORTS
search this site
filipino globe online edition
|
|
LAUNCH EDITION Click on image to view our flagship monthly publication
|
|
|
PRESS RELEASES Click on image to submit press release or pictures of events
|
|
|
THE BIG PICTURE Click on image to submit your photo or essay
|
|
|
|
Click on image to submit your questions
|
|
Jun Cañete is a
man of many
talents
HK-based artist
Ferraris breaks
into art scene
in Pennsylvania
|
|
Duty Free Shops Philippines
|
|
|
Golden Gate Wine Ltd Hong Kong
|
|
|
Her Highness Properties Philippines
|
|
|
|
Janet & Grace beauty Salon Hong Kong
|
|
|
J&D Health Concepts Hong Kong
|
|
|
JT Hong Kong Jumbo Tours Hong Kong
|
|
|
|
Moneygram Money Transfer Hong Kong
|
|
|
Orient First Capital Hong Kong
|
|
|
PNB Remittance Center Ltd Hong Kong
|
|
|
|
PLDT Smart Padala Hong Kong
|
|
|
Prime Credit Hong Kong
|
|
|
Prime Gold Hong Kong
|
|
|
|
SmarTone Barkadahan Hong Kong
|
|
|
WOW Philippines Department of Tourism
|
|
|
Xocai Chocolates Philippines
|
|
BPI Remittance
Center Ltd
Hong Kong
AFreight
Door-to-door
Hong Kong