Sa unang
pagkakataon,
inamin ni
Freddie Roach
na nahirapan
si Manny
Pacquiao sa
laban niya kay
Miguel Cotto.
All rights reserved. Filipino Globe
Pacquiao kailangan munang magpagaling
Maliban sa ilang detalye, tuloy and laban kay Mayweather

CELESTE MARING MANILA

Bagama’t sigurado na ang paghaharap nina boxing champion Manny
Pacquiao at Floyd Mayweather Jr, hindi pa tiyak kung kailan ang tinatayang
pinakamalaking laban sa kasaysayan ng boksing.

Hindi pumapayag ang kampo ni Pacquiao na sa Marso gawin ang laban dahil
masyado itong maaga at baka makaapekto sa paghahanda ng People’s
champ.

Maging si multi-titled boxing trainer Freddie Roach ay hindi sang-ayon sa
tinatarget na March 13 fight date. “March 13 is too fast a turnaround,” komento
ni Roach.
    Ayon kay Roach, mabigat ang naging
    huling laban ni Pacquiao kay Miguel Cotto
    noong Nobyembre 14, kaya’t kailangan
    munang magpahinga ang boksingero at
    mapagaling nang husto ang tainga nito.

    “Manny has a broken [right] eardrum
    suffered in the Cotto fight. I’d like to have
    more time. I hope the fight happens, yes,
    but I want us to be in the best possible
    shape,” dagdag ni Roach.  Mas gusto ni
    Roach na gawin sa Mayo 1 ang naturang
    sagupaan.

    Duda rin si Top Rank chief Bob Arum, ang
    promoter ng laban, sa Marso 13 na petsa,
    dahil sa pagtakbo ni Pacquiao sa
    kongreso sa darating na Mayo.
    Magsisimula ang kampanya sa Marso 26.

    Una rito, matapos talunin ni Pacquiao si
    Cotto, agad na hinamon ni Roach si
    Mayweather, at maging ang mga fans ay
    ito rin ang isinisigaw.

    Inihayag ni Roach, na kasama sa pinag-
    uusapan ay ang  50-50 na hatian ang
    paraan para matuloy ang mega fight.

Sinabi ng three-time trainer of the year, parehong naghahangad ng malaking
kagat sa pera ang magkabilang kampo, pero kukumbinsihin niya si Pacquiao
na tanggapin ang 50-50 deal para matuloy ang laban.

Pero duda pa rin si Roach kung talagang gusto ni Mayweather labanan si
Pacman.
“I honestly don’t think he wants to fight Pacquiao. I think both fighters know that
if they do the fight at 50-50, it’s going to happen. My guy is definitely on board.
Gusto ng kampo ni Pacquiao ang 60-40 na hatian ng premyo.

“Each can get US$10 million guarantee and the winner gets the rest. I love it
when the winner gets more,” ani Roach.
Manny has a
broken [right]
eardrum
suffered in the
Cotto fight.
I’d like to have
more time
search this site
 
QUICK LINKS
Currency
converter
POEA
information
services
Philippine
consulates
worldwide
Scenes
from our
Hong
Kong
launch
party
click on image to view pages
Bookmark and Share
 
n a t i o n a l
filipino globe online edition
         
You need Java to see this applet.
ADLINKS
AFreight Cargo
Hong Kong
Duty Free
Shops
Philippines
Gen-Ex
Cargo
Hong Kong
JT Hong Kong
Jumbo Tours
Hong Kong
New Mile
Travel Services
Hong Kong
Prime Credit
Hong Kong
Public Finance
Services
Hong Kong
Barkadahan sa
SmarTone
Hong Ko
Philippines
Department of
Tourism
O N L I N E  S T O R E