All rights reserved. Filipino Globe
|
Jinkee Pacquiao: Pinatawad ko na si Krista


Sinabi ni Jinkee Pacquiao na kung totoo man
ang mga akusasyon na nagkarelasyon ang
kanyang asawang si Manny Pacquaio kay Krista
Ranillo ay handa pa rin umano siyang
magpatawad.
“Ang Diyos naman nagpapatawad, tayo pang mga tao. Kasi
kapag hindi ka nagpatawad, hindi ka maka-move on, parang
iniisip mo pa rin ‘yung problema. Iniisip mo pa rin ‘yung issue
so kailangan patawarin mo na ‘yung tao at maging happy na
lang kung anong meron,” say pa ni Jinkee.Kinumpirma ng
asawa ni Pacman na
humingi ng tawad sa kanya si Manny dahil umano sa stress na
idinulot ng balitang pagkaka-involve daw ng boxer kay Krista.
Sa lahat umano ng pinagdaanan nilang intriga, ito raw ang
pinakamahirap sa kanilang mag-asawa.
“Kasi parang naapektuhan na ‘yung mga anak ko. ‘Yung family
ko pati ‘yung family ni Manny parang naiilang na sa isat-isa
dahil sa mga tsismis. Nung nasa US ako sabi ko ‘wag na
munang manood ng TV [ang mga bata] kasi di ba, nakakaintindi
na sila?”
Sa tanong naman kung sinabi umano talaga niya na mag-
asawa ng walang sabit si Krista, sumagot si Jinkee na ito ang
mensahe niya para sa sexy actress.
Dolphy-Zsa Zsa wedding hopeless
Parang hopeless na si Dolphy na makakasal pa
sila ni Zsa Zsa Padilla. “May pumipigil kasi na
ma-annul ang kasal ni Zsa Zsa. Kaya mahirap
nang patuloy pa kaming umasa na makakasal
pa kami.
Pero masaya naman kami sa kalagayan namin ngayon,”
pahayag ng Pinoy Comedy King nung press conference para sa
Nobody, Nobody But Juan na siyang entry n’ya sa Metro Manila
Film Festival ngayong Disyembre.
May bulung-bulongan sa showbiz na ang ex-husband mismo ni
Zsa Zsa ang gumagawa ng paraan para di matuloy ang
annulment ng kasal nila, kahit siya man ay matagal na
umanong may kinakasamang iba.
Ang ex-husband ni Zsa Zsa ay si Dr. Modesto Tatlonghari.
Sixteen years old pa lang si Zsa Zsa nang pakasalan n’ya ang
dentistang halos doble ang edad sa kanya noon. Nagkaroon
sila ng anak, ang ngayo’y lagpas ng 20 years old singer-actress
na si Karylle.
Sa tagal naman ng pagsasama nina Dolphy at Zsa Zsa nang
walang lamat, parang hindi na rin naman nila kailangan ng
kasal.
Halos 20 taon na rin naman silang nagsasama (at halos doble
rin ng edad ni Zsa Zsa ang edad ni Dolphy).
Sarado muna ang puso ni Heart Evangelista
Hangga’t maaari ayaw raw muna ni Heart
Evangelista na magpaligaw o magkaroon ng
boyfriend.
Mas prioridad niya sa ngayon ang trabaho.
Desisyon daw niya ito at hindi nang kanyang mga
magulang. Ibig bang sabihin nito sarado na ang
kanyang puso para sa tulad ni Dennis Trillo na aminadong may
crush sa kanya?
Hindi naman sa dahilang hindi niya gusto si Dennis kaya hindi
siya pumapayag na makipag-date dito. Ayaw lang niya kasing
bigyan ng pagkakataon ang kahit sinuman na ligawan siya.
Sabi ni Heart, guwapo, mabait, at gentleman naman si Dennis.
Yun nga raw desisyon daw niya talaga na hindi muna
magpaligaw sa kahit na sino.
Kahit si Jericho (itaas)na dati niyang boyfriend ay off limits daw
muna sa kanya. Mas gusto raw niyang makasama ang kanyang
pamilya higit kaninuman. Napaso na nga ba talaga si Heart sa
pag-ibig? Well para kay Dennis isang malaking challenge ito.
Handa raw siyang maghintay. At para mapatunayan kay Heart
ang kanyang layunin, handa raw siyang maghintay na buksan
nitong muli ang kanyang puso.
Loveless Dennis malamig ang Pasko
Aminado si Dennis Trillo na malamig ang Pasko
niya this year. “First time kong walang girlfriend
this year.
Dati, every year, meron akong kasamang
girlfriend pag Christmas.
"This time, wala talaga! Sa anak ko ang Christmas ko ngayon at
hindi naman ako apektado dahil gusto ko naman itong ganito,
‘yung manumbalik ang dating ng dami ng work. Na-miss ko rin
‘yung araw-araw na may work,” lahad ni Dennis.May Christmas
wish ba siya?
“Para sa akin, gusto kong maging healthy para makayanan ko
ang lahat ng trabahong ibinibigay sa akin,” aniya.
“Sa pamilya ko, mas magkaroon kami ng quality time, bonding
kasama ang anak ko, ang buong pamilya at siyempre, gusto
kong makalimutan ang lahat ng problema nila.”
Christmas gift kay Goma: Peace of mind
“It’s a nice Christmas present from the justice system of this
country,” wika ni Richard Gomez, matapos ibasura ng
Department of Justice ang sampang libel laban sa kanya ng
isang entertainment portal.
search this site
|
|
Currency converter
|
|
|
POEA information services
|
|
|
Philippine consulates worldwide
|
|
|
|
Scenes from our Hong Kong launch party
|
|
Danny Vibas and Antonio Cuevas report on celebrity news hot off the mill, scandals and gossip
|
|
filipino globe online edition
| |
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
AFreight Cargo Hong Kong
|
|
|
Duty Free Shops Philippines
|
|
|
Gen-Ex Cargo Hong Kong
|
|
|
JT Hong Kong Jumbo Tours Hong Kong
|
|
|
|
New Mile Travel Services Hong Kong
|
|
|
Prime Credit Hong Kong
|
|
|
Public Finance Services Hong Kong
|
|
|
Barkadahan sa SmarTone Hong Ko
|
|
|
Philippines Department of Tourism
|
|