All rights reserved. Filipino Globe
c o m m e n t
filglobe.com
filipino globe online edition
back to top
May pakinabang din ang pesteng daga
Masuwerte raw and taon na ito, pero nasa atin pa rin ang susi

Sa buwan ng Pebrero ang pagsapit ng Bagong Taon ng mga Tsino at ang
pagbati ng Kung Hei Fat Choi ay karaniwan. Kasabay din ang paalala ng
happiness, luck and prosperity para sa Taon ng Daga, batay sa kalendaryong
Tsino.

Maraming naniniwala sa hula at senyas ng mga planeta. Pero tandaang ang
sariling pagsisikap at pagtitiyaga ang susi ng pag-unlad.

Totoong may sinusuwerte at may minamalas. May kayod nang kayod na
bahagya lang nakausad.Mayroon naman minsan lang kumayod ay nakayod na
lahat ng suwerte.
Isang positibong
halimbawa na
ang hukbo ng
dagang
nagagamit sa
pagtuklas ng
kaunlaran ng
siyensiya ay
itulad ang mga
mga OFW
Ganyan talaga ang buhay, sabi ng iba.

Ayon sa hula ng kaibigan, ang mga
ipinanganak sa Taon ng Aso at Taon ng
Matsing ang kasabay na masuwerte sa Taon
ng Daga.

Tunay na maraming pamahiin at hula ayon sa
kalendaryo ng mga Tsino tulad din ng
kalendaryo ng mga hugis ng planeta sa
kalendaryo ni Honorio Lopez na nabibili sa
Quiapo.
Sa Taon ng Daga, kung bakit bida si Daging,
gayong ang daga ay peste sa bahay.
Maraming pain at bitag na inihahanda upang mahuli silang lahat malaki man
o maliit. Gayundin sa bukid na taniman ng palay ay sadyang peste ang mga
dagang-bukid kapag sumalakay sa palayan.

Kahit sabihing masarap ang karne ng dagang-bukid basta’t di mo alam na
karne ng daga, mapagkakamalang karne ng manok ang iyong kinakain.
Pero ang positibong kabuluhan ng daga ay nagagamit sila ng mga siyentista
sa pag-eeksperimento upang mapaunlad ang siyensiya.

Masasabing ang di magandang bahagi sa buhay ng daga ay kung sila ay
peste sa ating buhay.

Ang magandang bahagi naman ay ang kanilang kabuluhan sa pagtuklas ng
bagong kaaalaman sa larangan ng siyensiya.

Kaya’t isang positibong halimbawa na ang hukbo ng dagang nagagamit sa
pagtuklas ng kaunlaran ng siyensiya ay itulad ang mga mga OFW na hukbo
ng dagang naghahanap ng maunlad na lungga upang mamahagi ng
magandang kinabukasan.

Hindi maikakaila na ang bilyun-bilyong dolyar na remittances ng mga
overseas workers natin ang nag-angat sa ekonomiya ng bansa.
Kung hindi sa kanilang pakikipagsapalaran na magtrabaho sa ibang bansa
sa kabila ng panganib at pangamba ay tunay malulugmok sa hirap ang
bansa,

Sa maraming nagtrabahong sinagupa ang maraming digmaan gaya ng
Lebanon, Afghanistan, Iran, Iraq noon at ngayon.

Gayundin ang pagkidnap sa Nigeria ng mga inhinyerong Pilipino, ang
pagkalunod ng mga kababayang seaman sa lumubog ng barko saan mang
panig ng  mundo.

Higit sa lahat ang pagyurak sa kanilang dangal ng mga buhong na amo ay
mga mararahas at malalagim na karanasang sumugat sa ating
pambansang kamalayan.

Pero patuloy pa rin silang nangangarap, nagbabakasakali upang hanapin
ang kaunlarang ipinagkait sa kanila sa bayang tinubuan.

Kaya’t sa nakikini-kinitang pagsulong ng ekonomiya batay sa mga ulat sa
pahayagan ay parang umasenso na ang bansa gayong hindi ito
nararamdaman ng maraming Pilipinong datna’t panawan ng krisis.

Sa Taon ng Daga, kung anumang ang hugis ng kapalaran ng sambayanang
Pilipino at ang masaganang bukas ng mga nagtratrabaho sa ibang bansa ay
hindi ito nakukuha o nababasa sa mga planeta ng panghuhula.

Nakasandig ito sa mga tunay na matapat na lider at mamamayang
kasangkot sa pagbabago tungo sa pag-unlad.

Pero patuloy pa ring umiikot sa ating bansa ang lumang gulong ng
masamang sistema ng pulitika.

Ang pagkakampi-kampi, kanya-kanya, hindi ang lakas ng makabansang
adhikang magkaisa sa ikabubuti ng Pilipinas.

Kaya’t magpapatuloy ang paglikas ng mga kababayang magtratrabaho sa
ibang bansa upang doon humanap ng masagana at maunlad na buhay.
Kalimutan ang mga lider at pinunong inuuna ang sariling kapakanan sa
pagpapayaman at hindi ang pagpapakasakit upang sumulong ang sariling
bansa.
search this site
Currency
converter
POEA
information
services
Philippine
consulates
worldwide
Scenes
from our
Hong
Kong
launch
party
QUICK LINKS
Afreight
door-to-door
Hong Kong
Duty Free
Shops
Philippines
Hesei Finance
and Credit Co
Hong Kong
Gen-Ex
Cargo
Hong Kong
Janet & Grace
Beauty Salon
Hong Kong
J&D Health
Concepts Hong
Kong
JT Hong Kong
Jumbo Tours
Hong Kong
Juno's House
Hong Kong
Golden Gate
Wine
Hong Kong
Moneygram
Money Transfer
Hong Kong
Mahmood
Transport
Hong Kong
New Mile Travel
services
Hong Kong
Orient First
Capital
Hong Kong
Prime Credit
Hong Kong
Prime Gold
Hong Kong
Stoneridge Ville
Homes, Cabuyao
Laguna
Western Union
money transfer
Hong Kong
WOW Philippines
Department of
Tourism
Yatka Travel
Services
Hong Kong
ADLINKS
Afreight
door-to-door
Hong Kong
Duty Free
Shops
Philippines
Hesei Finance
and Credit Co
Hong Kong
Gen-Ex
Cargo
Hong Kong
Janet & Grace
Beauty Salon
Hong Kong
J&D Health
Concepts Hong
Kong
JT Hong Kong
Jumbo Tours
Hong Kong
Juno's House
Hong Kong
Golden Gate
Wine
Hong Kong
Moneygram
Money Transfer
Hong Kong
Mahmood
Transport
Hong Kong
New Mile Travel
services
Hong Kong
Orient First
Capital
Hong Kong
Prime Credit
Hong Kong
Prime Gold
Hong Kong
Stoneridge Ville
Homes, Cabuyao
Laguna
Western Union
money transfer
Hong Kong
WOW Philippines
Department of
Tourism
Yatka Travel
Services
Hong Kong
ADLINKS
view pdf image
leave a comment
close this page
itaas mo kabayan