TEO ANTONIO
All rights reserved. Filipino Globe
Sana'y hindi na maulit ang karanasan

MANILA

Nakatutuwa ang nalathalang balita na sa bansang
Gresya ay kinikilala ang talino ng mga Pilipinong
marine engineers at ang mga seaman.

Halos lahat ng shipping companies ay nakararami
ang bilang ng mga nagtatrabahong kababayan.

Noong umiinom ako sa Edsa Central sa isang
ordinaryong inuman ay may nakatabi akong isang
seaman, si Rolly. Naikuwento niyang inaayos niya ang
dalawang lote sa may Taguig. Isang “housing project”
ng gobyerno. Kinakailangang bakuran at patayuan na
ng bahay batay sa alituntunin ng proyekto sa pabahay.

Maugong noon ang nangyaring “oil spill” sa Iloilo at
may kaso ang inhinyerong piloto na diumano’y bihasa
sa pagbibiyahe ng mga kemikal sa barko at hindi sa
langis. Kinukuwestiyon din ang lisensiya ng piloto na
paso na yata.

Pinupuna ni Rolly ang ating awtoridad tungkol dito at
doon nagsimula ang aming mahabang usapan sa
harap ng bumubulang serbesa. Ang iniinom niya ay
Red Horse at ako nama’y pale pilsen.

Pero ang kuwento ni Rolly bilang seaman ang
sumugat sa aking kamalayan noong dumaong sila sa
isang bayan sa Africa.

Magsasaya sana sila ng kapwa Pilipinong seaman ng
gabing iyon. Nagulat sila na ang mga naging ka-tebol
nila ay pawang mga Pilipina. Nagtataka sila kung bakit
sa bahagi ng mundo na iyun ay doon pa napadpad
ang mga babaeng kababayan.

Sa kuwento ng mga kababayan ay hindi nila akalain
na sa Africa sila masasadlak. Hawak ng kanilang amo
ang kanilang passport at hindi sila makakatakas.
Akala nila ay sa Europe sila bibigyan ng trabaho ng
nagrekrut sa kanila.

May pinag-aralan at magaganda sila at posibleng
napasakamay sila ng isang sindikato ng human
traffickers na nagbebenta ng mga sex slaves sa Africa.
Kamakailan ay nalathala na sa ating pahayagan ang
krimeng ito na isang malaking industriya mula sa
Pilipinas patungong Africa.

Nasira ang gabi nina Rolly na mag-aliw at magsaya
ng araw na iyon. Tinamaan sila ng matinding awa sa
mga babaeng kababayang masaklap ang sinapit.
Nasabi tuloy ni Rolly, “Hindi bale kung mga prosti sila
na lumipat ng trabaho, pero mga disente ito at may
pinag-aralan.”

Hindi nila ginalaw ang magagandang kababayan. Sa
halip ay nag-inuman na lamang sila habang
ikinukuwento ang masaklap na sinapit pagdaong sa
Africa.

Kinabukasan, kagigising pa lang ni Rolly sa barko ay
napansin niyang maraming nakabalot na pagkaing
inihahanda ang kasama.

” Saan mo dadalhin ‘yan?” tanong ni Rolly. “Nangako
ako na bibigyan ko ng pagkain ang ating mga
kababayan kagabi,” sagot ng kapwa seaman.
Dala ng awa sa mga babae ay pinagsikapang ibahagi
ang saganang pagkain sa barko.

“Nandiyan na sila sa port at hinihintay ako. Ito lamang
ang ating magagawang mabuti sa kanila.”
Sumagi sa isip ni Rolly ang nangyari kagabi, sa halip
na mag-aliw sila ay napasan sa kanilang balikat ang
problema ng mga kababayang biktima ng isang
sindikato.

Tunay na talamak pa rin ang ilegal rekruter at ang
sindikato ng human traffickers sa bansa. Dapat ay
parusang bitay ang ilapat sa kriminal na akibidad na
ito na nagwawasak ng maraming kinabukasan.
Masakit ang pangyayaring ang mga kababaihang may
pinag-aralan pa ang naloloko at nasasadlak sa hindi
nila gustong trabaho.

Sana’y hindi na maulit ang naranasang ito ni Rolly sa
Africa.
Tunay na
talamak pa rin
ang ilegal
rekruter at
ang sindikato
ng human
traffickers sa
bansa. Dapat
ay parusang
bitay ang
ilapat sa
kriminal na
akibidad na
ito na
nagwawasak
ng maraming
kinabukasan
Trahedya ng isang Pilipina sa Africa
i t a a s  m o
filglobe.com
filipino globe online edition
ITAAS MO
Teo Antonio
says the OPF
is coming --
and fast
DIMSUM
Isabel
Escoda
cheers a
jovial jolly lot
HOME VIEW
What's
spooking
Alan C
Robles?
PLUS
LAUNCH EDITION
Click on image to
view our flagship
monthly publication
PRESS RELEASES
Click on image to
submit press release
or pictures of events
THE BIG PICTURE
Click on image to
submit your photo
or essay
COMMUNITIES
Click on
image to
submit your
questions
HEALTH TALK
Jun Cañete is a
man of many
talents
HK-based artist
Ferraris breaks
into art scene
in Pennsylvania
Duty Free
Shops
Philippines
Golden Gate
Wine Ltd
Hong Kong
Her Highness
Properties
Philippines
Janet & Grace
beauty Salon
Hong Kong
J&D Health
Concepts Hong
Kong
JT Hong Kong
Jumbo Tours
Hong Kong
Moneygram
Money Transfer
Hong Kong
Orient First
Capital
Hong Kong
PNB Remittance
Center Ltd
Hong Kong
PLDT Smart
Padala
Hong Kong
Prime Credit
Hong Kong
Prime Gold
Hong Kong
SmarTone
Barkadahan
Hong Kong
WOW Philippines
Department of
Tourism
Xocai
Chocolates
Philippines
ADLINKS
BPI Remittance
Center Ltd
Hong Kong
AFreight
Door-to-door
Hong Kong
view page
You can read
this story
exactly as it
appears in the
newspaper by
clicking on the
image below