All rights reserved. Filipino Globe
|
filglobe.com
filipino globe online edition
Paggunita sa ama ng overseas workers
Nakita ni Ka Blas ang kahihinatnan ng mga manggagawa
Dapat sana’y sa buwan ng Pebrero ang kolum na ito. Dahil Pebrero 3, ang
kaarawan ni Senador Blas F. Ople. Nabasa ko sa kolum ni Susan V. Ople,
“Our Times”, sa magasing Panorama noong Linggo.
“Today is my father’s birthday,” aniya. Ang huling bahagi ng kolum ay ganito:
“Their collection of memories reinforces documentary evidence on how my
father conceptualized and built the overseas employment program. It was
under his watch that institutions like the POEA, OWWA, NLRC and NMYC, now
Tesda were founded. I am excited about this project because it will be the best
tribute ever to the man whose intellectual genius and hard work have helped
millions of Filipinos overcome poverty.”
Sana sa
pag-unlad ng
bansa at ganap
na nakamit na
natin ang
kalayaang
pang-ekonomiya
, mas kumonti
na ang
nagtatrabaho sa
ibang bansa
Tunay na limot na ng iba ang kabuluhan ni Ka
Blas kung pag-uusapan ang overseas
employment. Mabuti’t ipinaalala sa atin ng
kanyang manunulat na anak ang nagawa ng
kanyang ama.
Totoong sa panahon ng Pangulong Marcos
noong maglingkod siyang Secretary of Labor
bandang dekada sisenta ay nakikini-kinita ni
Ka Blas ang pagdami ng populasyon ng mga
manggagawa sa bansa.
Kailangang malunasan ang kahirapan sa
pagkakaroon ng maraming pabrika o
puhunang dayuhan sa pagnenegosyo sa
Pilipinas. Pero mabilis dumami ang tao at
ang oportunidad sa ekonomya ng bansa ay hindi ganoong kabilis.
Nakita ni Ka Blas ang malayong pananaw sa magiging kalagayan ng bansa
sa darating na panahon. Isang henerasyon iyong dadanas ng labis na
kahirapan at kawalang trabaho sa sariling bayan.
Uso na noon ang ilang Pilipinong nangangarap makarating sa lupain ng
mansanas at matupad ang kanilang “American Dream.”
Pero sa panahon ng panunungkulan ni Ka Blas sa gobyerno, napagtuunan
ang pagtatrabaho sa Saudi Arabia.Panahong iyong pinauunlad ang bansang
Saudi. Noo’y di pa uso ang pagbabayad ng malaking placement fee para
magtrabaho sa Saudi. Nakaaalis ang mga manggagawang Pilipino na
walang malaking gastos.
Basta’t may pasaporte, NBI clearance o iba pang dokumento at nakapasa sa
pagsubok ay mabilis na nakakaalis. Ang mga international overseas
placement agencies ay nagtatag dito ng opisina. Maayos at walang hokus-
pokus.
Tunay na ang layunin ni Ka Blas ay matugunan ang nakatakdang paglayo ng
populasyon at maraming nangangailangan ng trabaho.
Dumating ang pangyayaring dumami ang nakapagtapos at may diploma sa
bansa na walang mapasukan. Kaya ang pagkakataong magtrabaho sa ibang
bansa ang naging susi ng bagong pakikipagsapalaran.
Kahit di nakatapos ng kolehiyo o tapos ng hayskul at marunong umingles ay
nangahas ding makipagsapalaran. Naging popular din ang domestic helper
sa Hong Kong at iba pang lugar na kahit guro ay natuksong pasukin ang
trabahong mas mababa pa sa kanilang propesyon pero mataas ang
suweldo.
Nauso rin ang caregiver physical therapist bukod sa doctor, nurse at guro sa
pagtuturo ng Ingles. Lahat halos ng propesyunal gaya ng accountant,
inhinyero, eksperto sa kompyuter ay sinalubong ang pagbabago ng
magandang oportunidad sa ibang bansa.
Kung hindi naging malayo ang tanaw ni Ka Blas Ople ay baka dumami ang
Pilipinong walang trabaho at malawak na kahirapan. Kung sinasabing dapat
ay mas maglingkod ang ating mga propesyunal sa ating bansa, mahirap
sagutin ang kailangan ng bawat Pilipino upang makausad at umunlad.
Sana sa pag-unlad ng bansa at ganap na nakamit na natin ang kalayaang
pang-ekonomiya, mas kumonti na ang nagtatrabaho sa ibang bansa.
Nanatili itong isang pangarap hanggang sa kasalukuyan.
Patuloy ang overseas employment sa darating na panahon dahil di pa
nagbabago ang takbo ng pulitika at sistema ng pamamahala sa bansa. Mas
lumalala ang graft and corruption mula sa ibaba hanggang sa itaas ng
kapangyarihan.
search this site
|
|
Currency converter
|
|
|
POEA information services
|
|
|
Philippine consulates worldwide
|
|
|
|
Scenes from our Hong Kong launch party
|
|
view pdf image
leave a comment
close this page
itaas mo kabayan
|
|
Duty Free Shops Philippines
|
|
|
Hesei Finance and Credit Co Hong Kong
|
|
|
IDT Asia Hong Kong
|
|
|
Gen-Ex Cargo Hong Kong
|
|
|
|
Janet & Grace Beauty Salon Hong Kong
|
|
|
J&D Health Concepts Hong Kong
|
|
|
JT Hong Kong Jumbo Tours Hong Kong
|
|
|
Juno's House Hong Kong
|
|
|
|
Golden Gate Wine Hong Kong
|
|
|
Mahmood Transport Hong Kong
|
|
|
New Mile Travel services Hong Kong
|
|
|
Orient First Capital Hong Kong
|
|
|
|
Prime Credit Hong Kong
|
|
|
Prime Gold Hong Kong
|
|
|
|
Stoneridge Ville Homes, Cabuyao Laguna
|
|
|
WOW Philippines Department of Tourism
|
|
|
Yatka Travel Services Hong Kong
|
|