All rights reserved. Filipino Globe
|
Malapit man, malayo din
filglobe.com
filipino globe online edition


Di tulad ng ibang mga OFW na nagtratrabaho dito sa Hong Kong, mapalad si
Monina at kasama niya sa kanilang inuupahang flat sa Jordan ang kanyang
asawang si Robert at ang mga magulang nito. Hindi DH si Monina. Siya ay
isang physical therapist na mataas ang sahod kaysa sa ordinaryong
kasambahay.
Ang kanyang asawa naman ay isang floor manager sa isang pub sa may
Central. Kapwa sila kumikita nang maayos kaya di problema sa kanila ang
pananalapi na karaniwang suliranin ng karamihan sa mga Pinoy workers dito
sa Hong Kong.
Sa kabila ng mga nabanggit na mga situwasyon, naho-homesick pa rin si
Monina at nananabik sa kanyang asawa. Paano nangyari yon? Araw ang
trabaho ng 27-anyos na ginang at sa gabi naman ang pasok ng kanyang
mister. Halos hindi sila nagpapangita dahil pagdating niya sa hapon galing sa
trabaho ay siya namang pasok ni Robert papunta sa pub.
Pagpasok naman ni Monina sa umaga ay tulog pa ang kanyang asawa. Hindi
tuloy kataka-taka na sa dalawang taon nilang pagsasama ay hindi pa sila
nabibiyayaan ng anak. Madalas ang nakakasama ni Monina sa gabi ay ang
kanyang mga biyenan, na kahit mabait naman sa kanya ay napakahigpit
naman sa kanyang paglabas-labas.
Anupa’t tila nakakulong si Monina sa oras na wala siyang trabaho at hindi man
lang makalabas upang makapag-relax tulad ng ginagawa niya at ng kanyang
mga kaibigan sa Pinas. Ito ang dahilan kaya hindi rin maalis na mangulila ni
Monina sa oras ng kanyang pag-iisa sa kanyang kuwarto. Ilang beses na rin
niyang naisipang bumalik na lamang sa Maynila at doon na lang magtrabaho.
Ito ngayon ang bumabagabag kay Monina – paano niya sasabihin sa kanyang
asawa ang lahat.
Sa isang banda, napakasimple lang naman ng iyong problema. Bakit hindi
mo sabihin sa iyong mister ang iyong nararamdaman at baka sakaling
maunawaan ka nito. Maaari siyang gumawa ng paraan kung saan
magkakasama kayo ng higit na maraming oras o di kaya nama’y bigyan ka
ng layang makapamasyal kapiling ng iyong mga kaibigan. Maaari mo rin
namang isama sa paglabas mo ang iyong mga biyenan, dagdag puntos pa
para sa iyo. Marami kang mapaglilibangan nang di kinakailangang lumabas
tulad ng pagko-komputer at pag-iinternet. Siguro nararamdaman mo lamang
ito dahil wala pa kayong anak. Huwag kang mag-alala, darating din kayo riyan.
BABALA UKOL SA MGA MAGNANAKAW
Isang babala ang ibinigay kamakailan ng Kapulisan hinggil sa dumaraming
nakawan lalo na sa mga villages na may mga bungalow at three-storey
townhouses.
Pinag-iingat ng mga pulis ang lahat lalung-lalo na ang mga maids na
kadalasan ay naiiwan sa bahay habang ang kanilang amo ay nagtratrabaho.
Sinabi ng mga pulis na huwag basta-basta magbubukas ng pinto kapag may
kumakatok o nagdo-doorbell. Tingnan muna sa silipan kung sino ang
kumakatok at i-chain ang pinto bago buksan. Kapag nakilala niyo na kung sino
ang kumakatok ay saka lamang pagbuksan ang bisita. Nagpayo rin ang mga
pulis na isara ang lahat ng bintana sa gabi at sa tuwing aalis.
Siguraduhing nakakandado ang mga lock at ipagbilin sa kapitbahay ang
kabahayan kung hindi maiiwasang umalis at walang maiiwan. Ipagbigay-alam
agad sa pulisya kung mayroon mga taong kahina-hinala ang kilos sa inyong
lugar. Tumawag sa 2722-6885.
PATOK ANG WEBSITE NI KLAUDIA KORONEL
Natatandaan pa ba ninyo si Klaudia Koronel, ang dating boldstar na bihira na
nating mabalitaan ngayon? Wala man siya sa pelikula ngayon, maituturing na
isang tagumpay na ang dating artistang pinilit na matapos ang kanyang pag-
aaral at ngayon ay may sarili nang negosyo.
Dahil na rin sa kagustuhan niyang matulungan ang kanyang mga kababayang
nagtratrabaho sa ibang bansa, nagtayo ng sariling website si Klaudia upang
maging daan para makipag-ugnayan ang mga OFW sa kanilang mga kamag-
anak at kababayan. Ang website na mabuhaycity.com ay patok na patok
ngayon sa mga migrant workers na Pinoy.
Sa pamamagitan ng website na ito, maaari kayong makipag-chat sa iyong
mga anak o magulang at iba pang mga OFW.
Mayroon din itong mga audio mail at video mail na maaari niyong gamitin.
Pwede ka ring mag-upload ng mga retrato, music at video gayundin ang
makinig ng iyong mga paboritong istasyon ng radyo sa Pinas at makisali sa
mga forum at diskusyon ng mga Pinoy na nasa website.
Isang magandang pampalipas oras ito na siguradong makakabawas ng iyong
pagka-homesick. Matutunghayan mo rin ang kwento ni Klaudia na mula sa
pagiging mahirap ay nagsikap para maabot niya ang kanyang mga
pinapangarap.
COOL KA LANG SA ORAS NG EMERGENCY
Nais malaman ni Liza ng Tiu Keng Leng kung ano ang maaari niyang gawin
sa mga oras ng emergency tulad na lang minsan nang abutin ng matinding
sakit ng tiyan ang kanyang matandang amo at hindi niya malaman ang
gagawin. Mabuti na lamang daw at nakuha sa paglalagay ng hot compress
ang pananakit. Ano nga ba ang maaari niyong gawin sa mga ganitong
emergency?
Ang pinakamabilis na paraan upang makatanggap ng emergency treatment ay
tumawag ka sa 999 kung saan isang ambulansiya mula sa Government
Ambulance Service ang magdadala sa pasyente sa pinakamalapit na
government hospital. Kung kinakailangang dalhin sa isang private hospital,
mayroong non-emergency ambulance service ang Hospital Authority upang
ilipat ang pasyente. Maaari ring tumawag sa HK St John Ambulance
Headquarters (2530 8000 Hotline: 2524 4888).
MASAKIT ANG MAGING KABIT
Nagtatanong na may halong hinanakit si Rachel ng Causeway Bay kung bakit
kabit ang tawag sa mga babaeng pumapatol sa may asawa. Ito kasi ngayon
ang kalagayan niya matapos siyang umibig sa isa ring OFW na nagtratrabaho
sa South Korea. Nakilala ni Rachel ang lalaki sa pamamagitan ng chat at sa
loob ng tatlong taon ay nadevelop ika nga sa isa’t isa ang dalawa kahit na
noong isang taon lamang sila nagkita nang umuwi siya sa Pinas.
Sinabi ni Rachel na wagas na pagmamahal ang namamagitan sa kanila at ni
minsan ay wala pa raw nangyayaring pisikal sa kanilang dalawa. May asawa
at tatlong anak ang lalaki na nagsabing hindi na sila nagkakasundo ng
kanyang asawa.
Si Rachel naman, na may anak sa pagkadalaga, ay limang taon na rito sa
Hong Kong at ni minsan raw ay hindi siya na-in love sa mga Pinoy dito. Kung
mayroon man lang sanang diborsiyo sa Pilipinas, ayon kay Rachel, maraming
taong nasa kalagayan niya ang mabibigyang laya at maaalis ang bahid ng
kasalanan.
Hangga’t hindi dumarating ang araw na may diborsiyo na sa atin, kailangang
tanggapin ng mga taong nasa iyong kalagayan ang taguring kabit. Masakit
man pakinggan pero yan ang katotohanan. Gaano man kawagas ang inyong
pag-ibig, sa mata ng tao at ng Diyos, ay mali pa rin, kahit na pagbali-baliktarin
pa natin ang situwasyon.
view pdf image
leave a comment
close this page
search this site
|
|
Currency converter
|
|
|
POEA information services
|
|
|
Philippine consulates worldwide
|
|
|
|
Scenes from our Hong Kong launch party
|
|
Pinoy Patrol
|
|
Duty Free Shops Philippines
|
|
|
Hesei Finance and Credit Co Hong Kong
|
|
|
IDT Asia Hong Kong
|
|
|
Gen-Ex Cargo Hong Kong
|
|
|
|
Janet & Grace Beauty Salon Hong Kong
|
|
|
J&D Health Concepts Hong Kong
|
|
|
JT Hong Kong Jumbo Tours Hong Kong
|
|
|
Juno's House Hong Kong
|
|
|
|
Golden Gate Wine Hong Kong
|
|
|
Mahmood Transport Hong Kong
|
|
|
New Mile Travel services Hong Kong
|
|
|
Orient First Capital Hong Kong
|
|
|
|
Prime Credit Hong Kong
|
|
|
Prime Gold Hong Kong
|
|
|
|
Stoneridge Ville Homes, Cabuyao Laguna
|
|
|
WOW Philippines Department of Tourism
|
|
|
Yatka Travel Services Hong Kong
|
|